Pinakbet with Faith

0

Namili si Mami ng manok, baboy, gulay atbp. sa palengke kaninang umaga. Nirequest ko na lutuin niya yung ulam para may kainin si Fafi miyang tanghali (kasi ako, oki lang kahit ano na lang makain ko since nagdadiet naman me wahahaha….Sabi ni Mami, ako na lang daw magluto at sabi ko, sige pero igigisa ko lang yung gulay. Lagyan ko daw ng baboy, eh pero ayoko kasi baka masayang lang haha.. (walang tiwala sa sarili).

Proverbs 29:25 The Message (MSG)  The fear of human opinion disables; trusting in God protects you from that.

Still, nagrequest ako kay Fafi kung pwede niya lutuin ang gulay kasi masarap siya magluto (naks naman! hehe..) kasi masama din ang pakiramdam ko (excuses) dahil as usual namamaga na naman ang tonsil ko (what’s new?!) Ang sabi naman ni Fafi, ako na lang daw para matuto ako magluto. Eh marunong naman ako magluto, tamaders lang most of the time. Anyways, hindi ko siya niluto ng tanghali kasi ako lang. Umalis si Fafi and Mami, kaya Lucky Me pancit canton at pandesal ang tanghalian ko.

Naulan na. Walang magandang mapanuod sa oras na gusto kong manuod. Hindi pa din dumarating ang pipickup ng basura. Tinext ko si Mami na uwi na siya para maluto na ang gulay (never give up talaga). Pero masakit daw ulo niya kaya ako na daw ang magluto. At dahil super waley akong magawa, sinimulan ko nang gayatin ang ingredients. Walang kamatis! At dahil ayoko lumabas, hayaan ng walang kamatis hahaha… Hindi rin ako confident sa baboy, kaya mga apat lang kinuha ko. And of course, the most important ingredient is prayer. I ask Lord to help me cook it well, well enough para makain namin. And now my ingredients are ready! 

Matthew 7:7 New International Version "Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you.


At ginisa ko na ang bawang at sibuyas. Smells good! wahahaha… Sinunod ko ang baboy at hiniyaan ko muna itong maluto dahil matagal maluto ang karne. After some time, nilagay ko na ang bagoong na niluto ni Fafi (a long time ago hehe..) Hinalo ko sila sa kaliwa’t kanan para matimplahan ang baboy / madamayan ng lasa ng bagoong. Eto ang kabutihan ng bagoong kasi hindi na ko mahihirapang timplahin ang lasa ng niluluto ko. Perfect fit for someone like me na hirap pa sa paglasa ng sariling luto. And after guessing the meat is doing well na with the bagoong, I add the vegetables na. Sabi ni Mami, wag ko na daw lagyan ng asin dahil maalat na yung bagoong. Pero dahil naaawa ako sa gulay dahil mukha siyang malungkot ay nilagyan ko na lang uli ng bagoong. So, ikot-ikot lang, ikot ikot ikot lang. Hinayaan ko munang maluto sila sa mantika.

Now, it’s time to add water. At dahil mahilig ako sa sabaw ay 2 cups of water ang nilagay ko, Yes! Lunod ang gulay at baboy! Kaya nilagyan ko uli ng bagoong thinking na baka tumabang siya sa dami ng water hehe…  Tinext ko uli si Mami to ask if kailangan ko ba lagyan ng paminta at magic sarap dahil hindi ko na matandaan if needed. Ayun, magic sarap lang daw ang ilalagay and halo halo uli ng ingredients para madistribute. Akin na sila ngayong tinakpan para maluto in boiling water. And based on what I learned from my past cooking experience at sa iba pang experience (hahah.. ), do not hurry; just give it time. Dahil madalas akong mainip lalo na sa pagluluto eh bawal magmadali! So, wait patiently. Sabay muna sa kantahan sa videoke ng kapitbahay

Psalm 37:7 New Living Translation : Be still in the presence of the LORD, and wait patiently for him to act. 


Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas nang bisitahin ko uli ang aking niluluto. Medyo luto na ang gulay pero madami pa din ang sabaw compared sa usual kong nakikita hahaha… So tinikman ko ang sabaw, ayun medyo matabang nga! Hahahaha… So nilagyan ko na ng asin at naghanap ng betsin sa aparador namin (at ngayon lang talaga ko naglagay ng betsin). Nilagyan ko uli ng bagoong for the 4th time (if I’m not mistaken). Halo halo uli! Hininaan ang apoy at naghintay muli  Hindi ko na siya tinakpan para mag-evaporate ang water. After a few minutes, tinikman ko uli kung okay na ang lasa, and YES! Perfect! Hahaha..  #ThanksBeToGod! Hindi maalat, hindi rin matabang. Yun ay based sa panlasa ko, ewan ko na lang kina Fafi and Mami.


Tinext ko na sila parents na done na me sa pagluluto. And now it’s Showtime! Dahil gutom na si Mami, sabi ko kain na siya pagdating niya. Ang sabi niya matabang daw! Hmmpp! Na-obliga tuloy ako tikman ang rice niya na may luto kong ulam (kahit umiiwas ako sa rice sa gabi). At sabi ko hindi siya matabang (in all honesty hahaha..) At kumain na ko ng luto ko paired with skyflakes instead of rice. Tama ang luto ng gulay, hindi overcooked, hindi rin hilaw. Ang baboy, hindi ko alam, kasi iniiwasan ko din siya sa gabi. Pero sabi ni mama, tama daw, luto ang baboy 

Dumating na si Fafi at ang sabi niya, ayaw niya ng ulam. What?! Ang sabi ko, hindi na ko magluluto niyan (padrama effect ). Kaya kumain na din siya. At ang hatol… pwede na daw pala ko magluto. Actually, matagal na kong nagluluto mas madalas nga lang ang minsan kaya walang nakakaalala. Or I don’t have to disclose na I’m the one who cooked para may kumain hahaha . 

                  TO GOD BE ALL THE GLORY



So whether you eat or drink or whatever you do, 
do it all for the glory of God. - 1 Corinthians 10:31

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top