Ang Espiritu ng Katotohanan

0
Isa sa mga pangunahing pangako sa Lumang Tipan ay isang araw ang Espiritu ng Diyos ay mananahan sa bayan ng Diyos. Noon, ang bayan ng Diyos ay nakikipag-ugnayan sa presensya ng Diyos sa loob ng templo.

Bilang katuparan ng Kasulatan, ipinangako ni Jesus na ipapadala Niya ang Banal na Espiritu upang gabayan at aliwin ang bayan ng Diyos. Malaki ang implikasyon nito. Nangangahulugan ito na ang mga Cristiano ay may daan patungo sa presensya ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na nananahan sa atin. Kasama natin ang Espiritu ng Diyos saan man tayo magpunta.

Binanggit ni Jesus sa Juan 16:13 na ang Espiritu ng Diyos ang gagabay sa atin sa lahat ng katotohanan. Nais ng Diyos na maging bahagi ng ating pang-araw-araw na paglalakbay sa buhay, tinutulungan tayo at pinapatnubayan tayo patungo sa tama. 

Kapag may mga tanong tayo tungkol sa kung anong direksyon sa buhay ang tatahakin, nariyan ang Banal na Espiritu para tulungan tayo. Kapag hindi tayo sigurado kung ano ang tama o mali, kasama natin ang Banal na Espiritu para magbigay liwanag sa ating desisyon.

Sinabi ni Jesus na ang Espiritu Santo ay magsasabi sa atin alinsunod sa Ama at sa Anak. Ang Banal na Espiritu ay magpapatibay din at tutulong sa atin na maunawaan kung ano ang binabasa natin sa Banal na Kasulatan.

Sa buong linggong ito, sikaping alalahanin ang presensya ng Banal na Espiritu sa iyong buhay. Paalalahanan ang iyong sarili na ang Diyos ay kasama mo araw-araw. Hilingin sa Banal na Espiritu na patnubayan ka at bigyang liwanag ang iyong landas sa buhay, at maglaan ng oras sa pananalangin na aliwin at palakasin ka ng Diyos.



Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top