Ang salitang "mapagbigay" ay kadalasang binibigyang-kahulugan bilang:
•Bukas sa pagbibigay o pagbabahagi
•Handang magbigay ng tulong o suporta
•Hindi makasarili
Ang mapagbigay na pamumuhay ay hindi isang konsepto na limitado sa mga mayayaman, may talento, o masuwerte. Ang pagiging bukas-palad ay isang pamumuhay na nagmumula sa pagnanais na sambahin ang Diyos sa bawat bahagi ng buhay.
Ang prinsipyo ng pagkabukas-palad ay makikita sa kabuuan ng Banal na Kasulatan, at mayroon tayong pinakamahusay na modelo at tagapayo pagdating sa pagpapakita ng ganitong pagkilos—ang Diyos. Ipinadala Niya ang Kanyang Anak, si Jesus, bilang isang sakripisyo para sa ating mga pagkakamali nang sa gayon ay makasama natin Siya sa walang hanggan. Iyan ay pagkabukas-palad na pagkilos.
Sinasabi sa Mga Awit 24:1 na "Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon…" Ang lahat ng mayroon tayo ay pag-aari ng Diyos at ibinigay Niya sa atin. Siya ang may-ari, at tayo ang Kanyang mga tagapamahala. At ang mga taong mahusay na namamahala ay madalas na pinagkakatiwalaan ng higit pa upang pamahalain.
Hindi mahalaga kung gaano karami ang mayroon tayo—ang mahalaga ay kung ano ang ginagawa natin sa kung ano ang ibinigay sa atin.
Mamumuhay tayo nang sagana kapag tinitingnan natin ang lahat ng mayroon tayo bilang regalo mula sa Diyos. At kapag ginawa natin iyon, ang ating mga kaisipan ay lumilipat mula sa "Ito ba ay akin?" sa “Paano ko ito maibabahagi?”
Kaya ngayon, isipin kung paano mo tinitingnan ang mga bagay na ibinigay sa iyo ng Diyos. Nakikita mo ba ang mga ito bilang mga regalo mula sa Diyos na ibabahagi, o bilang mga nagawa at pag-aari na iyong nakuha? Ano ang isang bagay na maaari mong simulan ngayon upang maging mas mapagbigay?