Parang laging dapat may ipag-alala: mga natural na kalamidad, kasalukuyan (at nagbabadyang) digmaan, hindi matatag na pananalapi, pagkawasak ng relasyon, hindi natupad na mga inaasahan, pagkabaha-bahagi sa pulitika o lahi, walang saysay na karahasan, ang ating mga anak, trabaho, kalusugan, at marami—marami pang iba. Ngunit ang marami sa mga bagay na ating kinatatakutan kadalasan ay wala sa ating kontrol..
Hindi natin palaging makokontrol kung ano ang mangyayari sa atin, subalit maaari tayong makapamili ng ating tugon.
Maaaring lagi kang mag-alala, negatibo, balisa, matatakutin, mapanuri, at mapaghihanakit. O, maaari kang makilala na nakikita ang kabutihan sa tao, pinipili ang kagalakan, nagbibigay ng pampalakas ng loob, naghahanap sa bakas-daliri ng Diyos, at palaging nakakakita ng isang bagay na dapat ipagpasalamat. Sa anumang kaso, ang pag-ikot ay nakadepende sa kung ano ang gumagatong dito.
Gaya ng mga humuhuning ibon na naaakit sa matatamis na bagay habang ang mga buwitre ay ginagalugad ang mga patay na bagay sa lupa, lagi nating makikita kung ano ang ating hinahanap. Bakit? Dahil ang kadiliman at liwanag ay parehong umiiral. Ang mabuti at masama ay totoong nangyayari sa araw-araw. At tayo ay kailangang magpasiya kung kanino tayo magtitiwala, at paano natin gugugulin ang ating mga buhay.
Maraming mga nakakatakot na nangyayari sa mundo, ngunit—dahil kay Jesus—laging mayroong kabutihan.
Maging sa ating pinakamadilim na mga araw, si Jesus ang ilaw ng mundo. Dala-dala na Niya ang bigat ng mundo sa Kanyang mga balikat, nangangahulugan na hindi natin kailangang dalhin. Nakagawa na Siya ng daan kung saan walang daan, nangangahulugan na maaari nating sundan ang daan na Kanyang pinagningas. Hinihimok at ginagabayan na tayo ng Banal na Espiritu at nagtuturo sa atin at umaaliw sa atin, nangangahulugan na hindi tayo nag-iisa.
Ang pag-asa na mayroon tayo kay Cristo ay hindi lamang pangangarap o sobrang pagiging positibo, ngunit pag-asa na nakabatay sa katotohanan—sa mga katotohanan at pananampalataya.
Kaya ano ang maaari nating gawin? Sinasabi ng Biblia:
“Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan.”
Mga Kawikaan 12:25 RTPV05
Maaari nating labanan ang pag-aalala ng pag-asa.
Maaari nating iwasan ang pag-aalala ng pampalakas ng loob na puno ng katotohanan.
Maaari nating labanan ang takot sa pamamagitan ng pag-aalok ng nagbibigay-buhay na mga salita.
Maaari nating tanggihan na manatiling mamuhay sa pagkatakot.
Maaari nating ilantad ang kadiliman sa kaliwanagan.
Kaya sa susunod na makaramdam ka ng pagkabalisa at ang takot ay nagpapabigat sa iyong puso, humingi ng tulong at pampalakas ng loob sa Diyos. Tandaan, Siya ay mas malapit kaysa sa agwat ng isang panalangin.