Lord Paano Ako Uuwi?

0

February 23, 2024

May aattendang retreat sila parents na medyo hesitant silang attendan. Regalo ito for their 40th anniversary. Unti-unti nang naayos yung plano kung paano sila ihahatid at susunduin.

Ngunit nagkaroon ng change of plans. Hindi na pwede ihatid ng kapatid ko sila parents sa MMRC kaya magdadala na lang sila ng car. Need na lang namin agahan for the parking.

Nakapagpromise ako na sasamahan ko sila sa retreat pero di ko alam paano uuwi ng safe dahil liblib duon. Hindi ko na magawang pag-alalahanin pa sila sa kung pano ako uuwi dahil iniisip ko baka magcause lang lalo yun na magbackout sila. Kaya pinalipas ko ang magdamag ng walang plano. Bahala na, bukas na lang.

Habang nasa byahe, nagkaroon ng traffic na nauwi pa sa unting pagtatalo na tila against all odds ang pagjoin sa retreat 😅 Walang ibang sandata kundi ang kumalma at magpray.

Nakaalpas na kami sa traffic at habang nasa byahe ay inoobserbahan ko ang daan at inaassess kung pano ako uuwi 😅 Bumubulong ang puso ko na parang batang naglalambing, Lord liblib dito, paano po ako uuwi? Alam ko Lord ayaw mo ako mag alala at gusto mo na ligtas ako.

Nakarating na kami sa MMRC. Di namin nahit ung target arrival time kaya wala ng parking sa loob. Dun na sa other parking kami pinapunta kung saan sasakay ng shuttle service papasok. Hinatid muna namin ni Papa si Mama sa loob at iniwan ang mga gamit saka kami nagpark at sumakay ng shuttle. Nagsakayan na din ang ibang pasahero. Pagbaba sa looban ng MMRC ay binati kami ni Brother Ronnel, ka dgroup ni Papa na dun nga pala nagwowork sa MMRC, Kasama pala namin siya sa shuttle. Buti naalala pa niya kami. And yes ANSWERED PRAYER, sa kanya ako nagpatulong paano makalabas.

Ang galing ng plano ni Lord! Kung hindi kami nalate, hindi kami mapapapark sa outer parking. Kung hindi kami napapark dun, hindi kami makakasakay sa shuttle. If hindi kami nakasakay sa shuttle, hindi namin makakasabay si Brother Ronnel 😍

Si Brother Ronnel ang nag assist sakin makasakay ng shuttle at hinabilin ako sa guard para tumawag ng kakilalang tricycle driver. Pero imbis na itawag ako ng tricycle ay pumara sila ng van para maisabay ako palabas and yes ligtas akong nakauwi 😍

Totoo ang pangako ni Jesus sa kanyang salita. Naririnig Niya ang pagtawag natin at handa Siyang sumaklolo. 

Philippians 4:6-7 NLT
Don't worry about anything; instead, pray about everything. Tell God what you need, and thank him for all he has done. Then you will experience God's peace, which exceeds anything we can understand. His peace will guard your hearts and minds as you live in Christ Jesus.

To JESUS Be All The Glory, Honor and Praise  



Tags

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top