Lumapit sa Liwanag

0
Sarado na ang buong bahay nang pagbukas ko ng ilaw ay biglang naglipana ang napakadaming flying ants. Nakaramdam ako ng stress dahil sa dami nila, di namin mawari paano sila mawawala, dumadapo na samin yung mga flying ants at nakakarinig na ako ng sisihan.

Naprompt akong mag pray dahil wala namang ibang pwedeng tumulong kundi si Jesus. 

May naririnig akong mga boses. Ang sabi ng isa anong ginawa mo, may ginawa ka yatang kasalanan kaya tuloy kayo pinepeste. Kinocondemn ako ng boses kaya for sure boses ng kaaway 'to. Ang isang boses, nagpapasalamat sa mga lumilipad na langgam at nagsasabing may mensahe si Lord. Dahil comforting, yes message yun ng Holy Spirit.

Lord, pinahintulot Nyo ito kasi may mensahe Kayo. Bagamat condemning yung unang boses, humingi ako ng tawad sa bagay na nagawa ko na hindi kalugod lugod, kung anuman ito na hindi ko namamalayan claiming the promise of Jesus to rebuke the plans of the enemy.

Madilim na non, pinatay ang mga ilaw habang spray ako nang spray ng citronella. Binuksan ang ilaw sa labas para sumunod ang mga flying ants sa labas ng bahay. Nageffort kami patayin ang flying ants para mabawasan 😅 Habang nagsesearch sa google, nabasa ko na mahilig ang flying ants sa heat and light. After some time, umunti din sila at naglaho ☺️

At ang mensahe: LUMAPIT SA LIWANAG, si JESUS ang Liwanag. 

The following night, bumisita ang kapatid ko at nag fellowship kaming pamilya. Naconvict ako sa sinabi niya about pag lumapit sa liwanag, naeexpose ang kasalanan. Nakaka-amaze kasi that night, nalantad ang mga generational curses sa family namin na kailangan ipagpray na mabreak. 

Gaya nang paglapit ng flying ants sa liwanag, tayo din, we're encouraged na lumapit kay Jesus because He is the Light of the world. Hindi din kasi natin marerealize kung ano yung kailangan nating ihingi ng tulong kung hindi tayo lalapit sa Kanya. Siya kasi ang magrereveal satin ng mga dumi natin, hindi para icondemn tayo, kundi para tulungan tayong magbago para di na tayo manatili sa kasalanan. 

May Jesus help us to seek and stay in the light Amen 🙏


‭Mga Taga-Efeso 5:13-14 MBBTAG12‬
[13] Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, [14] at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.”

‭Juan 8:12 MBBTAG12‬
[12] Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.”

To JESUS Be All The Glory, Honor and Praise 




Tags

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top