Ang Kapangyarihan ng Kapanatagan

0
Tayo ay mga taong laging abala. 

Sa ating trabaho at tahanan, pamilya at mga kaibigan, punong iskedyul at walang katapusang mga gawain, nakakatuksong madaliin ang ating mga araw at hindi man lang tumigil upang tumingin sa itaas.

Ngunit sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng salmista:

"Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila"
Mga Awit 46 RTPV05

Kailan ang huling pagkakataon na intensyonal kang lumagi sa kapanatagan (at hindi lang dahil tulog ka)? Kailan ang huling pagkakataon na tahimik ang iyong katawan at isip upang kilalanin ang Diyos bilang Diyos?

Anuman ang nakaraan, ano ang pipiliin mo ngayon? Maaaring isara mo ang aplikasyon na ito, lagyan ng tsek ang "oras kasama ang Diyos" sa listahan bilang tanda na tapos mo na itong gawin, at magpatuloy na sa iyong iba pang gawain tulad ng nakasanayan. O, hahayaan mo ang kaalaman at katotohan ng Diyos na pagkalooban ng kapayapaan ang iyong pusong di mapakali. 

Mayroong kakaiba sa kapanatagan na nagtutulak sa higit pa sa atin. May kakaiba sa kapanatagan na nagdudulot sa atin ng higit na kamalayan sa Diyos at sa pangangailangan natin sa Kanya.

Isang bagay ang pagkilala natin sa Diyos sa pamamagitan ng ating salita, ngunit iba pa ang unahin Siya bago ang mabuti, masama, at nakakagambalang bagay sa ating mga buhay–ang mamuhay sa paraang magbibigay karangalan at nagpupuri sa Kanya.

Darating ang araw kung kailan, handa ka man o hindi, ay ilalahad ng Diyos ang Kanyang sarili. Darating ang oras kung kailan, sang-ayon ka man o hindi, lahat ng sikreto ay mabubunyag. Darating ang araw kung kailan, gusto mo man o hindi, itataas Siya sa lahat ng bansa at bibigyang papuri sa buong mundo. 

Ngunit, hindi mo na kailangang maghintay pa para purihin Siya. Hindi mo na kailangang maghintay pa upang tawagin Siya bilang iyong Diyos. HIndi mo na kailangang hintayin pa ang araw na iyon upang gawin Siyang iyong Panginoon at Hari ng iyong buhay. 

Maaari kang pumanatag–ngayon–at alamin na Siya ang Diyos.

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top