Ano ang katotohanan? Ang iba't ibang henerasyon ay may iba't ibang paraan ng pagsagot sa tanong na iyon. Isang popular na paniniwala sa kultura ngayon na ang katotohanan ay maaaring maging anuman ang gusto mong maging ito. Ito ang ideya na ang katotohanan ay depende at natatangi sa bawat indibidwal na tao.
Ngunit kung ang bawat isa ay namumuhay sa kanilang sariling katotohanan, kung gayon ay walang sinuman ang tunay na makakaalam kung alin ang tama. At kung ang katotohanan ng isang tao ay sumasalungat sa katotohanan ng isa pang tao, ang isa sa kanila ay maaaring mali.
Sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan na mayroong isang walang pinapanigan na katotohanan kung saan tayo'y maaring mabuhay. Sa halip na ang katotohanan ay batay sa indibidwal, ito ay batay sa isang bagay na mas malaki kaysa sa ating mga sarili. Ang katotohanan ay nagmula sa Diyos.
Ang Diyos ang Tagapamahala at Maylalang ng sansinukob, at ang pinagmulan ng katotohanan at kagandahan. Ang Salita ng Diyos ay naglalaman ng mga katotohanan na Kanyang sinabi sa atin upang tayo ay mamuhay ayon sa Kanyang katotohanan.
Sinabi ni Jesus na totoo ang Kanyang mga katuruan dahil nagmula ito sa Diyos. Sinabi pa Niya na ang sinumang nakakaalam ng katotohanan ay palalayain sa kanilang buhay sa pamamagitan ng katotohanan ng Diyos.
Kapag alam natin ang katotohanan, hindi na tayo namumuhay ayon sa kasinungalingan. Ang katotohanan ng Diyos ay nagliliwanag sa ating buhay at nagpapakita sa atin ng tunay na realidad. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus na ang katotohanan ang magpapalaya sa atin. Tayo ay nagiging tunay na malaya na mamuhay ayon sa kung paano tayo idinisenyo ng Diyos na mamuhay.
Isang mahalagang bahagi ng pag-aaral kung ano ang totoo at kung ano ang hindi ay ang pagbabasa ng Salita ng Diyos. Siya ay nagsalita sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita, at lahat ng Kanyang sinalita ay totoo. Kapag binabasa at isinasaulo natin ang Salita ng Diyos, lalo tayong natututo tungkol sa Diyos.
Maglaan ng panahon ngayon upang pasalamatan ang Diyos sa pagpapakita ng Kanyang sarili sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita, at sa pagbibigay-liwanag sa ating buhay ng Kanyang katotohanan.