Itinangi

0


Sa modernong wika, ang "banal" ay madalas na nangangahulugang isang bagay na patungkol sa relihiyon o espirituwal. Ngunit sa Biblia, ang “banal” ay nangangahulugan lamang na “ibinukod.” Nangangahulugan ito ng isang bagay (o isang tao) na naiiba at namumukod-tangi sa lahat ng iba pa. 

Ang Diyos ay hindi katulad ng ibang mga diyos na kilala ng mga bansa. Ang Panginoon ay banal at tinawag ang Kanyang bayan upang maging bukod tangi—o banal—rin.

Ang ilan sa mga pagkakaiba na nagbukod sa mga gawain ng mga Israelita ay patungkol sa relihiyon at espirituwal. Nag-alay sila ng mga hain sa isang partikular na paraan at may tiyak na mga tagubilin kung paanong ang mga saserdote ay sasamba, at gagawa sa templo. Ang iba pang mga kagawian na nagbukod sa Israel ay kinabibilangan ng pang-araw-araw na mga bagay, tulad ng pagkain, pananamit, at kanilang lingguhang kalendaryo. Ang mga gawi at kaugalian na ito ay naglalayon na ipakita at pagtibayin na sila ay tunay na naiiba—o banal—dahil sila ay pag-aari ng Diyos.

Ang ikaapat na utos na ibinigay sa Israel ay "alalahanin ang araw ng Sabbath" at panatilihin itong banal—isang paalala sa Israel ng pinagpalang kaparaanan na inilatag ng Diyos sa Paglikha. Kung paanong ang ating Banal na Lumikha ay nagtrabaho sa loob ng anim na araw at nagpahinga sa ikapitong araw, tinatawag Niya ang Kanyang mga banal na bayan na gawin din ito.

Ano ang banal sa Sabbath? Ito ay isang araw na itinakda upang maging iba sa lahat ng iba pang mga araw ng isang linggo. Nilalayon ng Diyos na ang isang araw sa isang linggo ay mag-iba ang hitsura at pakiramdam. Bilang mga taong pag-aari Niya, maaari tayong masiyahan sa Kanyang pagtatalaga ng ilang mga araw bilang produktibong mga araw para sa trabaho at pagkatapos ay iba pang mga araw na nakalaan para sa pagninilay at pagpapanumbalik ng lakas.

Tandaan, nilikha ng Diyos ang mga espesyal na panahon para sa pagpapahinga—panatilihing nakabukod ang mga panahong iyon.



Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top