Isang Sarong Nag-uumapaw sa Pagpapala

0



Sa pagtatapos ng Mga Awit 23, ang salmista ay nagpinta ng isang eksena na parehong dinamiko at mapanuya rin: isang marangyang piging ang inihanda sa harap mismo ng kanyang mga kaaway.

Isipin na ang Diyos ay naglalatag ng isang piging sa harap mo sa presensya ng kahirapan at takot. Ang Diyos ay nagbibigay ng sagana sa gitna ng kahirapan. "Sa aking ulo langis ay ibinubuhos," dagdag pa ng salmista, "sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos."

Ang pagpapahid ng langis ay nagpapakita ng banal na pabor at lakas. Ito ay tulad ng isang mandirigma na tumatanggap ng isang pagpapala bago ang labanan. Ang bawat balakid at pagdududa ay sinasalubong ng presensya ng Diyos. Ang tasa ng salmista ay hindi lamang puno, ito ay umaapaw! Sa Diyos, mayroon tayong mga pagpapala na masayang dumadaloy sa buhay ng iba.
 
Ang salmista ay nagtapos nang may buong pusong pagtitiwala:

"Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay;
at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan."
Mga Awit 23:6

Ang kabutihan ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig ang ating kasama sa tuwina, sinusundan tayo saanman tayo pumunta. Ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos ang pumapalibot sa atin at nagdadala sa atin sa ganap na presensya ng ating Pastol, habambuhay. Doon, tayo'y mananahan sa "bahay ni Yahweh." Ngayon at magpakailanman, tayo'y laging tinatanggap sa Kanyang presensya.

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top