Manatiling Alerto

0



Naranasan mo na bang magpabaya na hindi mo dapat ginawa?

Marahil tinamad ka. Marahil naabala ka. Marahil masyado mong pinahalagahan ang opinyon ng ibang tao. Marahil napagod ka sa paninindigan. 

Si Pedro, isa sa pinakamalapit na alagad ni Jesus, ay makakaunawa. Iniwan niya ang lahat para sumunod kay Jesus. Minahal, pinagtiwalaan at naniwala siya kay Jesus. Ngunit nang ang pagkakaugnay kay Jesus ay nagbanta sa Kanyang sariling seguridad at reputasyon, ipinagkanulo Siya ni Pedro—tatlong beses. 

Sa kabutihang palad, pinatawad siya ni Jesus, pinanumbalik siya, at binigyan pa nga siya ng kapangyarihang mangaral noong Pentecostes—ang araw na nabautismuhan ang 3,000 tao at ang unang simbahan ay nagsimula.

Ang Pedrong iyon ang sumulat: 

“Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila. Huwag kayong matatakot sa kanya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng ganitong kahirapan, kundi pati ang inyong mga kapatid sa buong daigdig.”
‭‭1 Pedro ‭5‬:‭8‬-‭9‬ ‭RTPV05‬‬

Kung lalabanan natin ang kaaway, dapat tayong manatili pareho sa opensiba at depensiba.

Ang Opensiba: Manatiling alerto. Tumayo nang matatag. Magpakalakas. Basahin ang Salita ng Diyos. Maghanap ng komunidad na nakasentro sa Diyos. Ipaglaban ang oras at koneksyon sa Diyos. Paalalahanan ang iyong sarili na may iba pang nakikipaglaban sa pakikibakang ito kasama mo.

Ang Depensiba: Kung may isang tao na bumabaluktot sa katotohanan, pagsabihan ito. Kung may napansin kang kawalan ng hustisya, gumawa ng isang bagay upang makatulong. Kung ang iyong kaaway na diyablo ay naninira, magkaroon ng lakas ng loob na ipaglaban ang kabutihan.

Para sa mga oras na nagpabaya ka, huwag mong hayaan ang iyong sarili na manatili sa pagkakasala o kahihiyan. Lahat tayo ay may mga sandali kung saan tayo nadapa. Humingi ng tawad at patuloy na umusad.

Ano ang ginawa ni Jesus matapos na Siya'y nabuhay mag-uli? Natagpuan Niya si Pedro. Sa katunayan, nagluto Siya ng almusal sa dalampasigan para kay Pedro! Binigyan Niya si Pedro ng isa pang pagkakataon, at itinatag pa Siya bilang isang pinuno.

Kaya't manatiling alerto. At tandaan: ipinaglalaban ka rin ng Diyos.

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top