Pag-aalis ng mga Kabigatan Na Pumipigil sa Atin

0



Lahat tayo ay nakagawa ng mga bagay na nagpapabigat sa atin at nakapagpapaisip sa atin, "Bakit parang ginagawa ko ang alam kong mali?"

Sa Banal na Kasulatan, ang kasalanan ay ginagamit upang ilarawan ang mga kilos na hindi naaayon sa hinihingi ng Diyos sa atin: mamuhay ng isang buhay na nakasentro sa pagmamahal sa Diyos at sa ibang tao. Bagama't may mga pangkalahatang pagkilos na lumalapastangan sa Diyos, ang maliliit na pagsuway ay humihila rin sa atin palayo sa Kanya. Isinulat ni apostol Santiago na “kasalanan ang malaman kung ano ang nararapat na gawin, subalit hindi ito ginagawa” (Santiago 4:17).

Sa madaling salita, kung alam mo kung ano ang ipinapagawa sa iyo ng Diyos, subalit nagpasiya ka pa ring sumuway sa Kanya—kung gayon, minamaliit mo ang kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay. Ang kasalanan ay umaakit sa atin dahil ito ay nagbibigay-kasiyahan sa sarili, ngunit ito ay nagbubunga sa walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos at sa iba.

Sa mahabang panahon, walang paraan para sa karamihan ng mga tao na mapalapit sa Diyos dahil ang Diyos ay hindi maaaring maging bahagi ng anumang bagay na sumisira sa Kanyang perpektong katangian. 

Ngunit habang kontrolado tayo ng kasalanan, dumating si Jesus at namatay para sa atin. At dahil sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, maaari na tayong makaranas ng buhay na hindi pinamamahalaan ng ating mga pagkakamali. 

Ang kusang-loob na sakripisyo at paghiwalay ni Jesus sa Diyos ay maaaring humantong sa ating pakikipagkasundo sa Kanya. Hindi dahil tayo ay karapat-dapat, kundi dahil ito ay palaging ninanais ng Diyos.

Bagama't patuloy tayong nakikipaglaban sa pagitan ng paggawa ng tama at mali, hindi natin kailangang harapin ang pakikibaka na ito nang mag-isa. At ang magandang balita ay: Nais ng Diyos na tumulong dahil alam Niya na hindi natin malalampasan ang kasalanan nang mag-isa.  

Kaya ngayon, tandaan ang ilan sa mga bagay na kasalukuyan mong pinaglalabanan. Saan mo kailangang bigyan ng kontrol ang Diyos? Ilarawan sa isip ang pagbibigay ng mga bagay na iyon kay Jesus, at hayaan Siya na ibigay sa iyo ang Kanyang biyaya, pagpapatawad, at kapayapaan.


Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top