Ginawa Para sa Komunidad

0



Nakapagtrabaho ka na ba sa isang grupo kasama ang ibang taong nagpapabagal lamang sa iyong pag-unlad? Mas gusto talaga ng maraming tao na magtrabaho nang mag-isa para mapamahalaan nila ang mga priyoridad sa paraang gusto nila. Bagama't ito ay maaaring isang mahusay na paraan sa ilang mga kaso, ito ay karaniwang hindi ang pinakamahusay na paraan upang mabuhay.

Sa simula pa lamang ng paglikha, nilikha tayo ng Diyos upang magkaroon ng kaugnayan sa ibang tao. Nilikha tayo para sa komunidad at pagkakaibigan, at nilayon ng Diyos na magtulungan tayo at tumulong sa isa't isa sa buhay.

Gayunman— maraming tao ang namumuhay nang hiwalay sa iba. Naniniwala sila na hangga't nasa kanila si Jesus, hindi na nila kailangan ng iba. Ngunit ikaw at si Jesus ay hindi makakayanang mag-isa sa buhay. Nilikha ka upang ibahagi ang buhay sa iba.

Sinasabi sa atin ng manunulat ng Mangangaral na maraming bagay ang hindi kayang gawin ng isang tao nang mag-isa. Kailangan natin ng iba na tumulong sa atin kapag tayo ay bumagsak. Kailangan natin ng iba upang palakasin ang loob natin kapag tayo ay nalulungkot. Kailangan natin ng mga tao upang magawa ang mga gawain sa buhay na mas malaki kaysa sa atin.

Karamihan sa mga tao na dumaan sa mahihirap na panahon ng buhay ay nagnais na sana ay may sumama sa kanilang naging lakbayin. Hinahangad natin ang koneksyon at komunidad. 

Ganito tayo idinisenyo ng Diyos—tayo ay nilikha upang magkaisa sa mga pasanin sa buhay. 

Nilikha ng Diyos ang Simbahan upang maging isang komunidad ng mga tao na lahat ay nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapwa. Kapag nakakita tayo ng komunidad na kinabibilangan ng mga anak ng Diyos, makakahanap din tayo ng mga taong makakasama natin sa buhay. Hindi mo kailangang mag-isa sa buhay—naglaan ang Diyos ng ibang tao para tulungan ka. At tinawag ka rin para tulungan ang mga nasa buhay mo. 

Maglaan ng panahon ngayon para magpasalamat sa Diyos para sa mga kaibigan at komunidad na ibinigay Niya sa iyo. Pasalamatan ang Diyos para sa bawat isa sa kanila at banggitin ang kanilang mga pangalan. Habang naiisip sila, siguraduhing ipaalam sa kanila na pinahahalagahan mo ang kanilang pagkakaibigan sa iyong buhay. Humanap ng mga paraan na maaari mong ipagpatuloy ang pagbuo ng isang malusog na komunidad ng mga kaibigan.



Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top