Labis na Kagalakan

0



Si Santiago, ang kapatid ni Jesus sa ina, ay hindi makapaniwala na ang kanyang kapatid sa laman-at-dugo ay ang totoong Anak ng Diyos—hanggang sa Siya ay nabuhay mula sa mga patay. Pagkatapos, nakumbinsi siya. Si Santiago ding iyon ang sumulat:

Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.”
Santiago 1:2-3 RTPV05

Ayon sa unang siglong Judiong mananalaysay, si Josephus, si Santiago ay naging martir sa kalaunan dahil sa kanyang tiwala sa pananampalataya kay Jesus—ang kanyang kapatid at kanyang Panginoon.

Narito ang limang bagay na dapat tandaan mula sa maliit na sermon ni Santiago:

Una, ang teksto ay nagsasabing “kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok…” Hindi kung darating kundi kapag ang mga pagsubok ay dumating sa atin. Nabubuhay tayo sa isang sirang mundo na hindi pa ganap na nanunumbalik, kaya't hindi tayo dapat magtaka kapag ang mga problema at hamon ay dumating.

Ikalawa, sinasabi ng teksto na “kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok…” Hindi lamang makatwiran na pagsubok o hindi nararapat na pagsubok, kundi anumang uri ng pagsubok. At kapag natagpuan ka ng mga pagsubok, ito ay isang pagkakataon para sa kagalakan.

Ikatlo, iniuugnay ng teksto ang mga paghihirap sa pagsubok ng ating pananampalataya. Hindi ito nangangahulugan na ang Diyos ang sanhi ng bawat hamon sa ating buhay, ngunit tiyak na magagamit Niya ang mga ito upang ihayag kung ano ang nasa loob. Na sa pagdadalisay tayo ay ginagawang kawangis Niya.

Ikaapat, sinasabi ng teksto, lalo na sa mahihirap na panahon o sitwasyon, na “magalak kayo.” Ang kaligayahan ay nakasalalay sa mga pangyayari, ngunit ang kagalakan ay makukuha kahit anupaman ang mangyari.

Ikalima, ang teksto ay nagpapahiwatig na ang mga problema, pagsubok, o kahirapan lahat ay lumilikha ng puwang para lumago ang pagtitiis. Isipin ang isang bulaklak: Upang tumubo ang isang bulaklak, kailangan itong dumaan sa isang bagay—na ang isang bagay na iyon ay lupa.

Kaya kapag nahaharap ka sa mahihirap na bagay at hindi mo maintindihan kung bakit, ituring itong isang pagkakataon para sa malaking kagalakan. Doon mo malalaman na ikaw ay lumalago at nagiging mas katulad Niya.


Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top