Nagagawa ni Jesus ang Imposible

0



Ang pahayag ni Jesus sa Mateo 19:26 ay kadalasang kinukuha nang wala sa konteksto. Maraming tao ang nagpakahulugan sa talatang ito na maaari nilang gawin ang anumang gusto nila sa buhay dahil magagawa ng Diyos ang imposible. Kadalasan ito ay humahantong sa paghiling natin sa Diyos na gumawa ng isang bagay na makasarili.

Upang maunawaan kung ano ang sinasabi ni Jesus, kailangan nating basahin ang naunang mga talata. Sa Mateo 19:16-22, isang binata ang nagtanong kay Jesus tungkol sa buhay na walang hanggan. Sabi ni Jesus sa kanya na kailangan niyang iwan ang kanyang makamundong tinatangkilik–isang bagay na hindi kayang gawin ng binata. Dahil hindi siya nakapasa sa pagsusulit, ang binata ay nabigong magmana ng buhay na walang hanggan.

Sinasabi ni Jesus sa Mateo 19:23 na napakahirap para sa isang mayaman na makapasok sa langit. Ang punto ay ang pag-ibig kay Jesus ay nangangailangan ng ating lahat. Ang ating tunay na pag-ibig ay hindi mahahati sa pagitan ni Jesus at ng ibang bagay.

Ang mga alagad ay nagtanong pagkatapos, "Sino ang maliligtas?" Sumagot si Jesus sa Mateo 19:26 na imposible sa isang tao na iligtas ang kanyang sarili—ngunit posible ito sa Diyos. Kaya ng Diyos ang bagay na hindi kayang gawin ng tao.

Hindi natin kayang matamo ang ating kaligtasan. Hindi natin kayang magsumikap para matamo ito, at hindi natin ito makakamit sa ating sarili. Ito ay imposible. Ngunit sa Diyos, ang lahat ng bagay ay ginawa Niyang posible para tayo ay maligtas. Sa pamamagitan lamang ng gawa at kapangyarihan ni Jesus kaya tayo ay may daan sa kaligtasan. At sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan ng Espiritu, maaari tayong magkaroon ng pananampalataya sa Diyos.

Ano sa iyong buhay ang pumipigil sa iyo sa pananampalataya kay Jesus? Marahil ito ay isang relasyon. Marahil ito ay ang mga materyal na pag-aari. Marahil to ay maling pag-iisip. Kung anupaman ito—ang Diyos ay may kapangyarihan na alisin ang mga bagay na ito sa iyong puso upang ikaw ay magkaroon ng pananampalataya kay Jesus. 

Kaya gumugol ng oras kasama ang Diyos ngayon, at hilingin sa Kanya na saliksikin ang iyong puso. Hilingin sa Kanya na ihayag ang anumang nasa iyo na pumipigil sa iyo na mahalin nang mabuti si Jesus. Pagkatapos, gumawa ng isang bagay na matapang—isuko ang mga bagay na iyon sa Diyos.



Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top