Paglakad sa Mga Pagsubok

0



Magsimula tayo sa pamamagitan ng pagsira sa isang akala: Wala saanman sa Banal na Kasulatan na ipinangako sa atin ng Diyos ang isang perpektong buhay, malaya sa mga problema. Sa katunayan, napakaraming beses sa Biblia, nasusumpungan ng mga tagasunod ni Cristo na sila ay inuusig, inaatake, o nahaharap sa lahat ng uri ng problema.

Sa isang liham mula kay Santiago para sa mga mananampalataya noong unang siglo, ipinaalam sa kanila ni Santiago ang tungkol sa iba't ibang pagsubok na kanilang mararanasan sa buhay: 

"Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya."
Santiago 1:12 RTPV05

Kapag nakita natin ang mga pagsubok bilang isang paraan upang maging mas katulad ni Jesus, tayo ay mapagpapala ng mga ito.

Marahil maaalala mo ang isang mahirap na panahon ng buhay. Sa pagbabalik-tanaw, maaari mong tukuyin kung paano ka pinadalisay ng Diyos mula rito. Ang Diyos ay madalas na gumagawa sa likod ng mga eksena na nagpapalalim sa ating pagkatao at nagpapalawak ng ating kakayahan, kahit na hindi natin ito nakikita.

Marahil ngayon ay nararanasan mo ang isa sa mga mahihirap na panahon. Isapuso ang talatang ito! Maaari kang magtiis dahil alam mong may ipinangakong gantimpala para sa atin sa langit. Habang ang mga gantimpala sa panig na ito ng langit ay hindi ipinangako, ang pagtingin sa ating huling patutunguhan kasama si Jesus ay nagbibigay sa atin ng pag-asa na tiisin ang mga pagsubok sa kasalukuyan.

Kung tumatahak ka sa isang mahirap na panahon ng buhay, gumugol ng ilang panahon sa pagbubulay-bulay sa mga pangako ng Diyos. Nangangako Siya na hindi ka pababayaan o iiwan, kundi sasamahan ka sa mga pagsubok. At sa pagtatapos ng pagsubok, mas magiging katulad ka ni Cristo. 

Maglaan ng sandali upang pasalamatan ang Diyos sa Kanyang katapatan at pagmamahal sa iyong buhay.



Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top