Pinagpala sa Tiwala

0



Ang Jeremias 17 ay nagsisimula sa isang pagsaway. Nananawagan ang Diyos sa mga Israelita dahil sa kanilang pagsamba sa mga diyus-diyosan, sa pagtitiwala sa ibang mga diyos at pagtalikod sa Kanya at sa Kanyang mga turo. Tulad ng isang magulang na may anak na gumawa ng isang masamang pagpili, nililinaw ng Diyos na ang mga pagpiling ito ay humantong at hahantong sa mga konsikuwensiya. Sa kabila nito, sa halip na tumuon lamang sa lahat ng nawala at mawawala dahil sa masasamang pagpili ng Israel, naglaan si Jeremias ng ilang sandali upang magbigay ng nakapagpapasiglang paalala:

“Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya.” 
Jeremias 17:7 RTPV05

Tinatawag Niya ang mga nagtitiwala sa Kanya na “mapalad,” kahit na ang kaguluhan, kasalanan, at pagsamba sa mga diyus-diyosan ay naghahari sa kanilang paligid. Sinasabi niya na ang mga taong nagtitiwala sa Diyos ay “magiging tulad ng isang punungkahoy na itinanim sa tabi ng tubig na naglalabas ng mga ugat nito sa tabi ng batis. Hindi ito natatakot pagdating ng init; laging berde ang mga dahon nito. Wala itong alalahanin sa isang taon ng tagtuyot at hindi nagkukulang na magbunga.” (Jeremias 17:18 RTPV05)

Tayo ang pipili kung sino at ano ang ating sasambahin. Kanino ang kumpiyansa mo? Sino ang pinagkakatiwalaan mo? Kung ang Panginoon, magpakatatag dahil batid na pinagpala ka rito. Ang masaganang buhay sa Diyos, puno ng bunga kahit na ang kasalanan ay nasa paligid, ay tanda ng pagpili na magtiwala sa Kanya. Anong kahanga-hangang bagay na na makakagawa nang ganitong pagpili!



Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top