Isipin muli ang Genesis 1 noong nilikha ng Diyos ang mundo. Isa sa mga unang sinabi ng Diyos ay “Magkaroon ng liwanag” (Genesis 1:3). Kung paanong nilikha ng Diyos ang liwanag upang magliwanag sa lupa, si Jesus ay dumating bilang liwanag sa buong sangkatauhan.
Sinabi ni Jesus na Siya ang ilaw ng sanlibutan. Itinuturo din Niya na ang liwanag ay kailangan para mahanap ang iyong daan sa mundong ito. Si Jesus ang liwanag na gumagabay sa mga lalaki at babae sa totoong buhay.
Si Jesus ay hindi lamang ang liwanag na nagbibigay tanglaw sa ating landas sa buhay, kundi Siya rin ang nagbibigay tanglaw sa iba pang bahagi ng mundo. Sa pamamagitan ng liwanag ni Jesus ay maaari nating tingnan ang iba pang bahagi ng mundo at gumawa ng mga paghatol sa kung ano ang tama at mabuti.
Ang liwanag sa Lumang Tipan ay kadalasang simbolo ng paghatol, dahil ito ang liwanag na naglalantad sa kadiliman at kasamaan sa puso ng mga tao. Si Jesus ang tunay na Hukom na dumarating na may kapangyarihan ng Diyos Ama na hatulan ang puso ng mga lalaki at babae (Juan 8:13-17).
Habang si Jesus ang tunay na Hukom ng buong sangkatauhan, ang mga sumusunod kay Jesus at naniniwala sa Kanyang muling pagkabuhay ay walang dapat ikatakot tungkol sa paghatol. Hindi na tayo hinahatulan sa ating nakaraan, ngunit sa pamamagitan ni Jesus tayo ay binigyan ng daan sa bagong buhay sa Kanya (Mga Taga-Roma 8:1).
Maglaan ng ilang sandali upang pasalamatan ang Diyos sa pagpapasikat ng Kanyang liwanag sa iyong buhay. Dahil kay Jesus, mararanasan mo ang biyaya at kapayapaan ng Diyos sa iyong sariling puso.