Walang iba

0
Gustong-gusto ni Ana ng anak, ngunit hindi niya magawang magbuntis. Taun-taon, siya ay tinutuya, pinahihirapan, at naiiwang namimighati dahil sa kanyang pagkabaog. 

Naranasan mo na ba ito?

Marahil ay gustong-gusto mo ang isang bagay: isang makadiyos na pag-aasawa, isang malusog na katawan, isang maunlad na pamilya, isang titulong pinaghirapan, isang malapit na komunidad, isang naibalik na relasyon. Marahil ay tumitingin ka sa iba na tila buo ang mga buhay at nagtataka kung bakit walang laman ang iyong mga braso. 

Nang maglaon, pagkatapos ng maraming taon ng paghihintay, sinagot ng Diyos ang panalangin ni Ana. At dahil doon, napuno siya ng pagkamangha at pagsamba, na nagsasabi:

“Si Yahweh lamang ang banal. Wala siyang katulad, walang ibang tagapagtanggol liban sa ating Diyos”
1 Samuel 2: 2 RTPV05

Sa kabila ng matinding mga taon ng pananabik at pagkabigo, alam ni Ana na walang kapalit ang Diyos. Walang ibang makakagawa ng isang bagay mula sa wala. Walang ibang may hawak ng kapangyarihan ng buhay.

Wala nang ibang Bato na kung saan itatatag ang ating pananampalataya. 

Walang ibang nakakakita sa pinakamasama sa atin at nagmamahal pa rin sa atin. Walang ibang dumaramay sa ating pinakamalalim na pananabik. Walang ibang mapagkakatiwalaan sa pinakamasidhing bahagi ng ating mga pangarap. Walang ibang nariyan upang gumabay, magturo, at umaliw—kapag pakiramdam mo'y umalis na ang lahat. 

Walang ibang may kapangyarihang magligtas.

Dahil ang Diyos ay banal, Siya ay laging mabuti. Higit sa lahat, Siya ay Siya pa rin kahapon, ngayon, at bukas. Makatitiyak ka, walang ibang mas karapat-dapat sa iyong pagtitiwala, sa iyong paggalang, at sa iyong puso.


Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top