Ang Pinagmumulan ng Kaginhawaan

0
Kapag natatagpuan mo ang iyong sarili na nasasaktan, natural na humanap ng kaginhawaan. Nais ng lahat na ang paghihirap dala ng pinsala, karamdaman o pighati ay mawala sa lalong madaling panahon.

Kapag napahawak ka sa isang mainit na kalan, maaaring kumuha ka ng yelo para sa iyong pasò. Kung maabutan ka ng isang bagyo, maaaring maghanap ka agad ng masisilungan. Kung maranasan mo ang pagkawala ng isang taong mahal mo, maaaring gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang maalis ang iyong atensyon mula sa pagdadalamhati. 

Maaari rin nating hangarin ang mga bagay tulad ng pagkain, pamimili, trabaho, droga, alak, teknolohiya, o libangan bilang mga elemento na nagpapamanhid ng isip upang subukang maibsan ang ating pagdurusa.

Ngunit ang nag-iisang Diyos lamang ang tunay na makapagbibigay ng kaaliwan sa atin:

“Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis.”
2 Mga Taga-Corinto 1: 3-4 RTPV05

Kapag ginagamit nina Pablo at Timoteo ang salitang “kaaliwan,” inilalarawan nila ang isang Diyos na umaaliw, umaalo, humihikayat, tumutulong, nagpapalakas, nagtuturo, at nagpapanariwa. Ganyan ang Kanyang pagiging Diyos kina Pablo at Timoteo, at ganyan pa rin Siya bilang Diyos.

Gaano man kasama ang mangyari, aaliwin ka ng Diyos sa paraang hindi magagawa ng iba. Makakaasa ka sa Kanya.

At dahil ang Espiritu ng Diyos ay nasa Kanyang bayan, ang Kanyang bayan ay maaari ring magbigay ng kaaliwan sa iba. Siya ay kumikilos sa kanila at sa pamamagitan nila upang mag-alok ng pag-asa na higit pa sa anumang pasakit sa kasalukuyan o sa hinaharap.

May dinaramdam ka ba sa pisikal, mental, o emosyonal? May Diyos na nagmamalasakit. May mga taong gustong tumulong. Kaya manawagan sa pinagmumulan ng lahat ng kaginhawahan. Mapagkakatiwalaan mo Siya sa iyong pasakit.



Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top