Kung ikaw ay nasa katauhan ng isang magulang, alam mo na ang pagpapalaki ng mga anak ay maaaring pinakamalaking kagalakan na iyong nararanasan at ang pinakamahirap na pakikibakang iyong kinakaharap. At kung ikaw ay isang taga-sunod ni Cristo, malamang na makakaramdam ka ng dagdag na pasanin upang matiyak na ang iyong mga anak ay lumaki na may pagkakilala at pag-ibig sa Diyos.
Sa Mga Kawikaan 23:24, tinukoy ng may-akda na ang kagalakan ng pagiging magulang ay dumarating kung ang ating mga anak ay nagtataglay ng dalawang bagay: makadiyos at may karunungan. Kaya, paano nating matutulungan ang ating mga anak na mas maging katulad ni Jesus at magkaroon ng karunungan na kailangan nila upang harapin ang mga hamon ng buhay?
Habang mayroong mga iba't-ibang paraan, narito ang dalawang bagay bilang pasimula:
Humanap ng isang komunidad na nakasentro kay Cristo.
Bilang isang magulang, kinakailangan mong palibutan ang iyong sarili ng komunidad na nagmamahal kay Jesus nang sa ganoong paraan ay hindi ka nag-iisa kung ang pagpapalaki sa iyong mga anak ay nagiging mahirap. Kung wala ka niyan ngayon, sikapin na gawin ang susunod na hakbang patungo sa direksiyong iyon—makilahok sa isang maliit na grupo, makipag-ugnayan sa simbahan, anyayahan ang mga kaibigan na maghapunan, o makipagkilala sa isang kapit-bahay.
Turuan ang mga anak upang tumulong.
Maliit man o tinedyer ang iyong mga anak, malaki ang posibilidad na gusto nilang maging malaya. Ang pangungusap na "Kaya kong gawin ito nang mag-isa" ang maaaring pinaka-karaniwang pariralang iyong maririnig.
Madaling isipin na ang pagkakaroon ng karunungan ay nagmumula sa paggawa ng lahat nang mag-isa, subalit ang Santiago 1:5 ay nagpaalala sa atin na ang Diyos ay magbibigay sa atin ng karunungan kung hihilingin natin ito sa Kanya. Ang pinakamainam na paraan upang tulungan ang ating mga anak na magkaroon ng karunungan ay ituro sila sa pinagmumulan ng karunungan.
Maging halimbawa kung paano humingi ng tulong sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin na kasama ng iyong mga anak—kahit hindi ito komportable.
Ang pagiging magulang ay mahirap, subalit kasiya-siya din ito. Kaya habang ginagawa mo ang araw-araw na mga hamon at kagalakan sa pag-aalaga sa mga bata, tandaan ito:
Ang pinakadakilang ambag na magagawa mo sa mundo ay maaring hindi kung ano ang iyong ginawa, kundi kung sino ang iyong pinalaki.
Bago mo iwan ang debosyonal na ito, pagnilayan ito: Ano ang isang bagay na magagawa ko ngayon upang tulungang ituro ang mga bata sa aking buhay patungo kay Jesus?