Isang Panalangin Sa Pagsuko
August 28, 2024
0
Dakilang Diyos, kailangan Kita. Hindi ko kayang magpanggap na kaya kong panatilihin ang aking buhay, sapagkat hindi ko kaya. Ikaw lamang ang may kakayanang tumulong at gumabay sa akin. Ikaw lamang ang may kakayanang magkaloob sa akin ng kalakasan na kailangan ko sa bawat araw. Ngayon, ipakita Mo sa akin na Ikaw ang may hawak ng lahat, at Ikaw ay sapat para sa akin. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Tags