Lagi Lagi si HESUS Testimony

0
Lagi Lagi si HESUS Testimony 
Dati Dati - Sarah Geronimo cover 


**Verse 1:**  
Parang kailan lang, ako'y wala sa tama
Sumusunod sa landas na iba ang tala
Ang puso'y di nakikinig
Ang gusto koy ginigiit
Ngunit Ikaw pa rin ang Siyang mananaig

**Pre-Chorus:**  
'Di nawala ang pag-ibig Mo sa akin
Nagalit man ako ay
Iyong pinatawad pa rin
Araw-araw nananatiling
Ikaw Jesus sa buhay ko ay

**Chorus:**  
Lagi-lagi, ang tanging sandigan
Lagi-lagi, Ika'y walang hanggan
Lagi-lagi, O Diyos Ika'y banal
Sa’Yo natagpuan
Pag-ibig na tunay na  
Lagi-lagi na na na na na na laging nandyan
Lagi-lagi na na na na di ka susukuan
Lagi-lagi,  Sa'Yoy' natagpuan 
Pag-ibig na walang hanggan

**Verse 2:**  
Parang kailan lang babad sa mga sala
Naanod ng mundo at ng maling akala
Kaya ako'y kinalabit
Disiplina Mo ay masakit
Ngunit Ikaw Jesus ay nariyan pa rin

**Pre-Chorus:**  
'Di nawala ang pag-ibig Mong dakila
Nagalit man ako ay
Iyong tinanggap na muli
Araw-araw nananatiling
Ikaw Jesus sa buhay ko ay

**Chorus:**  
Lagi-lagi, ang tanging sandigan,  
Lagi-lagi, ilaw at ang daan
Lagi-lagi, O Diyos Ika'y banal 
Sa’Yo natagpuan
Pag-ibig na tunay na  
Lagi-lagi na na na na na na laging nandyan
Lagi-lagi na na na na di ka susukuan
Lagi-lagi, Sa'Yoy' natagpuan 
Pag-ibig Mo'y walang hanggan

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top