Takbuhin ang Iyong Karera

0



Alam nating lahat ito - hindi madali ang buhay. Minsan may mga pagsubok na maaaring dumating na masyadong mahirap na naiisip na nating sumuko. Maging ito man ay isang matinding pangyayari, mga pangangailangan ng buhay-pamilya, o mga panggigipit sa trabaho, maaaring tila ito ay sobra-sobra na. Kapag nasusumpungan natin ang ating sarili na gustong umayaw, ang aklat ng Mga Hebreo nagbibigay sa atin ng malakas na pampatibay-loob na mapanghahawakan:

"Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, talikuran natin ang kasalanan at ang anumang balakid na pumipigil sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsahang ating sinalihan." 
Mga Hebreo 12:1 RTPV05

Ang “mga saksi” ay tumutukoy sa mga mananampalataya na nauna na sa atin, silang ang mga buhay ay isang patotoo ng katapatan ng Diyos. Ang kanilang presensya ay nagpapaalala sa atin na tayo ay bahagi ng isang mas malaking kuwento, isang pamana ng pananampalataya na sumasaklaw sa mga henerasyon.

Hinihimok din ng kasulatang ito ang mga mananampalataya na "talikuran ang kasalanan at ang anumang balakid na pumipigil." Ang mga balakid ay maaaring madaling makita, tulad ng makasalanang mga kaabalahan na pumipigil sa atin na lubusang sumunod sa Diyos. Maaari ring ito ay panloob, tulad ng takot at kahihiyan. Anuman ang kanilang anyo, talikuran natin sila.

Subalit, hindi lang natin basta tatalikuran ang mga bagay na pumipigil sa atin at maupo. Sinasabi ng kasulatan, "buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsahang ating sinalihan." Ang pagkatawag ay patuloy na sumulong, gaano man kahirap ang paglalakbay. Ginagabayan ng biyaya at pinalalakas ng pananampalataya, tayo ay nagpapatuloy.



Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top