Pinaniningning ang Ilaw ni Jesus

0


Nakalakad ka na ba mula sa isang madilim na lugar patungo sa isang napakaliwanag na espasyo? Ang ilaw ay may hindi kapani-paniwalang kapangyarihan sa ating mga pandama, at kung minsan ay nakakabigla ito. Ngunit kailangan ang ilaw para mabuhay tayo. Sinasabi sa atin ng ilaw ang tungkol sa katotohanan. Ito ang nagbibigay liwanag sa mga bagay sa paligid natin.

Sa Mateo 5, gumamit si Jesus ng iba't ibang simpleng metapora para ilarawan ang buhay ng isang alagad. Sinabi Niya na ang Kanyang mga alagad ay tulad ng isang bayan na itinayo sa isang burol na nagliliwanag sa libis (Mateo 5:14). Sinabi rin Niya na tayo ay tulad ng isang lampara na nagbibigay liwanag sa isang buong bahay (Mateo 5:15).

Ang buhay ng isang alagad ni Jesus ay inilaan upang maging gaya ng ilaw na nagniningning nang maliwanag para makita ng iba. Kaya ano ang ilaw na mayroon tayo? 

Una at pangunahin, ito ay ang mensahe ng Ebanghelyo. Binigyan tayo ng kaalaman tungkol sa ginawa ni Jesus para sa atin, at ang kaalamang iyon ang nagbabago ng lahat para sa atin. Mayroon na tayong bagong buhay dahil kay Jesus.

Ipinagkatiwala sa atin ang mensaheng ito upang maibahagi natin ito sa iba. Ang mensahe at pag-asa ni Jesus ay isang nagniningning na ilaw na nagbibigay liwanag sa katotohanan.

Sinabi rin ni Jesus na nakikilala ng mga tao ang ating liwanag sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa. Kapag sinisikap natin na mahalin ang iba, ipinapakita natin sa kanila ang ilaw at pag-ibig ni Jesus. Ang mga gawa na tumutulong sa iba ay nagbubukas ng pagkakataon para sa atin upang ibahagi ang pag-asa ni Jesus. 

Maraming paraan kung paano ka binigyan ng kakayahan sa buhay para ibahagi ang mensahe ni Jesus sa iba. Maaaring ito ay sa trabaho, sa iyong mga kapitbahay, sa isang tao sa iyong komunidad, o sa iyong pamilya. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng isang gawi ng pagmamahal, isang pinansiyal na regalo, isang nakapagpapalakas loob na salita, o biglaang paggawa ng kabaitan, ngunit lahat ng iyong ginagawa ay dapat palaging may kasamang mensahe ng ebanghelyo. 

Kung walang pag-ibig, ang ating mga gawa ay walang kabuluhan, at ang pinakamaliwanag na gawa sa lahat ay ang mahalin ang mga tao katulad ni Jesus, upang makilala nila si Jesus. Ngayon, isipin kung paano ka magiging ilaw sa mga nakapaligid sa iyo sa kung paano mo sila minamahal.

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)
To Top