Maraming mga bagay ang nakakakuha ng ating atensyon. Ang ating oras ay puno ng mga tao at mga responsibilidad, na may mga pangangailangan at hangarin, at lahat ng ito ay nangangailangan ng oras.
Sa tanyag na sermon ni Jesus sa Mateo 6, naglaan Siya ng oras sa pagsasalita tungkol sa iba't ibang mga bagay sa buhay na binibigyan natin ng pansin. Sinabi sa atin ni Jesus na sa halip na gugulin ang ating oras sa pag-aalala tungkol sa ating mga pangunahing hangarin sa buhay, dapat nating hanapin ang Kanyang Kaharian at ang Kanyang katuwiran. Kung gagawin natin iyon, ang lahat ng mga bagay-bagay ay maiaayos na.
Kaya ano ang ibig sabihin ng hanapin ang kaharian ng Diyos at ang katuwiran ng Diyos?
Ang kaharian ng Diyos ay tungkol sa pamamahala ng Diyos at paghahari sa lahat ng nilikha. Ang Kanyang kaharian ay nagsimula sa ministeryo ni Jesus sa lupa at ngayon ay lumalaganap at nagpapatuloy sa pamamagitan ng Simbahan. Ang gawain ng kaharian ay ang magpatuloy na sabihin sa iba ang tungkol sa pag-asa ni Jesus, at ituro ang lahat ng mga bagay na iniutos sa atin ni Jesus.
Ang hanapin ang katuwiran ng Diyos ay ang magnais na mamuhay sa paraang nilayon ng Diyos. Ito ay ang mamuhay ayon sa mga utos ng Diyos, na nangangailangan na gumawa tayo ng mga desisyon na naaayon sa Salita ng Diyos.
Sinasabi ni Jesus na kung gagawin natin ang dalawang bagay na ito—hanapin ang kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran—ang bawat iba pang bahagi ng ating buhay ay magkakaroon ng kabuluhan. Kung hindi natin uunahin ang mga kagustuhan ng Diyos sa ating buhay, hahantong tayo sa pag-aalala sa mga bagay na pansamantala.
Ang mamuhay ayon sa Salita ng Diyos ang dapat nating maging pangunahing pinagmamalasakitan dahil ang Kaharian ng Diyos ay mananatili magpakailanman.
Isipin kung paano mo ginugugol ang iyong oras. Nag-aalala ka ba sa mga bagay na wala sa iyong kontrol? Isipin kung paano ka mabubuhay para sa kaharian ng Diyos kaysa sa mga bagay sa lupa. Sa anong mga paraan maaari mong baguhin ang priyoridad ang iyong buhay upang hanapin ang katuwiran? Sa halip na mag-alala tungkol sa mga bagay sa buhay na hindi mo kayang kontrolin, ipanalangin sa Diyos na matugunan ang iyong mga pangangailangan.