Pagdating sa pag-unawa sa mensahe ng ebanghelyo ni Jesus, ang Mga Taga-Roma 10:13 ay isa sa pinakamahalagang talata…
Malililgtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon."
Mga Taga-Roma 10:13 RTPV05
Ang ebanghelyo ni Jesus ay ang mensahe na si Jesus ay namuhay ng isang perpektong buhay at namatay para sa ating mga kasalanan sa krus, at sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay ay makakaranas tayo ng tunay at walang hanggang buhay. Binigyan tayo ng pagkakataong maniwala kay Jesus, at sa pamamagitan ng pananampalataya ay maranasan ang di nararapat na kaloob ni Jesus na pagpapatawad at pagmamahal.
Ang pinakakontrobersyal na bahagi ng mensaheng ito ay hindi natin kailangang gumawa para dito para makamtan ito. Ang kaligtasan ay ibinigay sa atin ng walang bayad bilang isang regalo ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus (Mga Taga-Efeso 2:8-9).
Si Pablo, ang may-akda ng Mga Taga-Roma, ay nilinaw na ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas. Ang kaligtasan ay hindi nakalaan para sa mayaman, sikat, o popular. Ito ay ibinibigay sa sinumang kumikilala sa kanilang sariling kakulangan at sa kanilang pangangailangan kay Jesus.
Nangangahulugan ito na hindi natin kailangang gawing kumplikado ang pagtitiwala kay Jesus. Ang pahayag ni Pablo ay isang pangako sa ating lahat–kung tayo ay maniniwala kay Jesus, tayo ay maliligtas.
Kung nagtanong ka na kung ligtas ka na o hindi pa, ang pangakong ito ay makapagpapatibay sa iyo. Ang daan patungo kay Jesus ay simple. Kung ikaw ay nagtitiwala kay Jesus, ikaw ay tunay na ligtas at hindi mo na kailangang itanong ito. Ang natitira na lang ay ang patuloy na maniwala at sumunod kay Jesus araw-araw.